D E N O U E M E N T
Biyernes, Setyembre 23, 2016
Huwebes, Setyembre 22, 2016
Ang Totoong Hugot ng mga Nurses
Bata pa lang ako, I already have such high regards for nurses.
Dahil nakikita mo sila in white uniforms, tingin mo tuloy they were a symbol of intelligence,
Someone who really deserves high respect.
And after so many years. Kung noon, I would just dream of becoming a nurse,
ngayon that dream has become a reality. I am already a nurse.
Hindi biro yung four years sa nursing school ah.
Nariyan yung magdamag kang gising just for a requirement.
Tapos there are circumstances na buong libro kailangan mong pag-aralan.
Isama mo pa ang nakakapagod na RLE.
Minsan makakalimutan mo na nga yung huling beses na nakatulog ka ng maayos.
But when I became a nurse, I realized, those four dreadful years was just a warm up.
Just a preparation for what the real world holds.
Akala ko mahirap na yung nursing school. I was wrong.
Mahirap pala pag talagang nurse ka na.
Lahat ng oras mo binibigay mo maalagaan lang mga pasyente
We are so busy taking care of other people, that we would forget to take care of ourselves.
Hindi ka makakain ng lunch, o kahit dinner. ni hindi ka nga maka pag-cr,
Masyado kaming busy sa pag-aalaga sa iba, ni pamilya nga namin di na namin maalagaan
And what do we get in return?
Aside sa sasahurin naming kakarampot,
Nariyan pa ang reklamo ng mga pasyente at toxic na folks.
Na para daw kaming ta-tanga tanga na hindi alam ang ginagawa,
Magrereklamo dahil na delay ng kahit 5 minutes yung gamot,
Akala kasi siya lang mag isa ang pasyente sa ward.
Magrereklamo kasi hindi naka hit ng vein pag mag start ng IV.
Dadagdag pa yung doktor na sasabunin ka ng galit, dahil di daw na carry out yung orders niya,
O di mo raw nasagot ng mabilis yung tanong niya.
We face all of these in every day of our lives.
The whole shift could be a scenario of war. All of us are struggling to survive.
Their words are the swords. And the only weapon we have, is that thing they call COMPASSION.
Na sa kabila ng masasakit na salita, all we can show is empathy.
Na kahit punong-puno ka na, dahil wala ka naman talagang kasalanan,
you would still have to say the words, "Im Sorry"
Na sa kabila ng kaliwa't kanang insults, at walang katapusang reklamo ng mga pasyente,
Ikaw pa rin ang magpapaubaya
We still have that same goal, that is for them to get well and be better.
It was then when I realized,
Nurses are more than just the individuals in white uniform.
Dahil sa likod ng mga puting unipormeng yun, is a person with a strong yet compassionate heart.
Nurse po kami. Pero tao lang din po kami. Napapagod. Nasasaktan.
We are not asking you to be kind to us.
All we ask is to be respected in a way we deserve to be.
#SaluteToAllNurses
Martes, Setyembre 20, 2016
Linggo, Setyembre 11, 2016
Nakakamiss Pala...
Nakakamiss pala...
Yung merong gigising sayo ng good morning sa umaga
At Buong araw kang kukulitin at nangangamusta
Kahit minsan nakakabwisit na, nakakamiss din pala.
Nakakamiss yung meron kang kausap hanggang magdamagan,
Walang katapusang kwentuhan,
Na minsan sinamahan pa ng mga maliit na tampuhan
Nakakamiss yung may kasa -kasama ka kumain sa kung saan,
Naglilibot, gumagala kahit wala naman talagang patutunguhan,
Nakakamiss yung mga sandaling nararamdaman mo,
kung gaano ka ka-importante ka para sa isang tao.
Nakakamiss yung may nagbibigay sa'yo ng yapos at mga halik.
Hayyy, nakakamiss pala...
NAKAKAMISS...YUNG NAGMAMAHAL KA, HABANG MINAMAHAL PABALIK.
Yung merong gigising sayo ng good morning sa umaga
At Buong araw kang kukulitin at nangangamusta
Kahit minsan nakakabwisit na, nakakamiss din pala.
Nakakamiss yung meron kang kausap hanggang magdamagan,
Walang katapusang kwentuhan,
Na minsan sinamahan pa ng mga maliit na tampuhan
Nakakamiss yung may kasa -kasama ka kumain sa kung saan,
Naglilibot, gumagala kahit wala naman talagang patutunguhan,
Nakakamiss yung mga sandaling nararamdaman mo,
kung gaano ka ka-importante ka para sa isang tao.
Nakakamiss yung may nagbibigay sa'yo ng yapos at mga halik.
Hayyy, nakakamiss pala...
NAKAKAMISS...YUNG NAGMAMAHAL KA, HABANG MINAMAHAL PABALIK.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)