Huwebes, Disyembre 29, 2016


L I M I T L E S S



The best thing about life, is its limitless possibilities. 

Biyernes, Setyembre 23, 2016

Huwebes, Setyembre 22, 2016

Ang Totoong Hugot ng mga Nurses

Bata pa lang ako, I already have such high regards for nurses.
Dahil nakikita mo sila in white uniforms, tingin mo tuloy they were a symbol of intelligence,
Someone who really deserves high respect. 
And after so many years. Kung noon, I would just dream of becoming a nurse, 
ngayon that dream has become a reality. I am already a nurse. 
Hindi biro yung four years sa nursing school ah. 
Nariyan yung magdamag kang gising just for a requirement.
Tapos there are circumstances  na buong libro kailangan mong pag-aralan. 
Isama mo pa ang nakakapagod na RLE. 
Minsan makakalimutan mo na nga yung huling beses na nakatulog ka ng maayos. 
But when I became a nurse, I realized, those four dreadful years was just a warm up.
Just a preparation for what the real world holds. 
Akala ko mahirap na yung nursing school. I was wrong.
Mahirap pala pag talagang nurse ka na. 
Lahat ng oras mo binibigay mo maalagaan lang mga pasyente
We are so busy taking care of other people, that we would forget to take care of ourselves.
Hindi ka makakain ng lunch, o kahit dinner. ni hindi ka nga maka pag-cr, 
Masyado kaming busy sa pag-aalaga sa iba, ni pamilya nga namin di na namin maalagaan
And what do we get in return?
Aside sa sasahurin naming kakarampot,
Nariyan pa ang reklamo ng mga pasyente at toxic na folks. 
Na para daw kaming ta-tanga tanga na hindi alam ang ginagawa,
Magrereklamo dahil na delay ng kahit 5 minutes yung gamot,
Akala kasi siya lang mag isa ang pasyente sa ward.
Magrereklamo kasi hindi naka hit ng vein pag mag start ng IV.
Dadagdag pa yung doktor na sasabunin ka ng galit, dahil di daw na carry out yung orders niya, 
O di mo raw nasagot ng mabilis yung tanong niya.
We face all of these in every day of our lives.
The whole shift could be a scenario of war. All of us are struggling to survive. 
Their words are the swords. And the only weapon we have, is that thing they call COMPASSION. 
Na sa kabila ng masasakit na salita, all we can show is empathy. 
Na kahit punong-puno ka na, dahil wala ka naman talagang kasalanan, 
you would still have to say the words, "Im Sorry"
Na sa kabila ng kaliwa't kanang insults, at walang katapusang reklamo ng mga pasyente,
Ikaw pa rin ang magpapaubaya
We still have that same goal, that is for them to get well and be better. 
It was then when I realized, 
Nurses are more than just the individuals in white uniform.
Dahil sa likod ng mga puting unipormeng yun, is a person with a strong yet compassionate heart. 
Nurse po kami. Pero tao lang din po kami. Napapagod. Nasasaktan. 
We are not asking you to be kind to us. 
All we ask is to be respected in a way we deserve to be. 

#SaluteToAllNurses

Martes, Setyembre 20, 2016

Linggo, Setyembre 11, 2016

Nakakamiss Pala...

Nakakamiss pala...
Yung merong gigising sayo ng good morning sa umaga
At Buong araw kang kukulitin at nangangamusta
Kahit minsan nakakabwisit na, nakakamiss din pala.
Nakakamiss yung meron kang kausap hanggang magdamagan,
Walang katapusang kwentuhan,
Na minsan sinamahan pa ng mga maliit na tampuhan
Nakakamiss yung may kasa -kasama ka kumain sa kung saan,
Naglilibot, gumagala kahit wala naman talagang patutunguhan,
Nakakamiss yung mga sandaling nararamdaman mo,
kung gaano ka ka-importante ka para sa isang tao.
Nakakamiss yung may nagbibigay sa'yo ng yapos at mga halik.
Hayyy, nakakamiss pala...


NAKAKAMISS...YUNG NAGMAMAHAL KA, HABANG MINAMAHAL PABALIK.

Biyernes, Hulyo 1, 2016

PARA SA PUSONG NAGHIHINTAY

Sa simula pa lang, alam mo namang masasaktan ka diba?
Bakit kasi ipinagpapatuloy mo pa?
Marami na ngang nagsasabi o. Hindi ka niya mahal. Bat kasi ayaw mong makinig?
Ba't kasi nagbubulagbulagan ka? Ba't kasi pilit mong pinapaniwala ang sarili mo na baka...
baka sakaling may pag asa pa. Baka sakaling marealize niya na puede rin pala.
Baka sakaling maisip niya na okay ka rin pala. Baka sakaling bigyan ka niya ng chance.
Pero hindi mo ba na isip? Puro ka lg baka sakali! nagbabakasakali!
Araw araw naghihintay. araw araw nag aabang sa sandaling masabi niya sayo na mahal ka na rin niya.
Naghihintay sa sandaling masuklian ang pag ibig na ibinigay sa kanya.
EH ARAW ARAW KA RIN NAGPAPAKATANGA AH.
nag hihintay sa pag ibig na wala namang kasiguraduhan kung dadating pa.
kumakapit sa maliit na posibilidad na maging kayo pa.
pero ang tanong, hanggang kailan mo ba kayang masaktan?
hanggang kailan mo pa kayang magpakatanga...
kasi baka ang pusong inaasahan mong tumibok para sayo...

AYUN... TUMITIBOK PALA PARA SA IBA.

Sabado, Hunyo 18, 2016

Hugot sa PNLE


CONTINUING THE LEGACY

CONGRATULATIONS!!! West Visayas State University-College of Nursing once again proved that it is indeed one of the best Nursing School in the country. WVSU-CON garnered  100% passing rate with 5 topnotchers in the recent Philippine Nurse Licensure Examination, continuing its legacy of  excellent Nursing Education.
photo edited by : Alexa Giane Morga

#DasalPusoSipag #4peat #WontStopTillWeOnTop #TagaWest

Martes, Mayo 10, 2016

Mga Katanungan

Ilang beses ka ba dapat masaktan, bago ka sumuko?
Ilang luha ba ang dapat na masayang dahil sa paghihinagpis ng iyong puso?
Hanggang kelan  ka aasa?
Hanggang kelan ka maghihintay sa bagay na wala namang kasiguraduhan?
Hanggang kelan mo kayang magmahal kahit siya wala namang pakialam?
Hanggang kelan ka ba magtitiis?
Kelan ka ba magigising na ang totoo..
Ang meron lang yung "siya" at yung "ikaw"... dahil wala namang "kayo"!
Sa sitwasyong to, wala namang makakatulong sayo kundi ikaw lang...
Napakaraming katanungan ang naghihintay ng mga kasagutan...
Sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang magdedesisyon...

KUNG IPAGPAPATULOY MO PA... O BIBITAW KA NA...

Biyernes, Marso 25, 2016

Huwebes, Marso 24, 2016

Hanggang Kaibigan Lang


Kaibigan. Friend. Best. Bestie. Friendship. Sis. Bro. Iba't iba ang tawagan. 
Bawat isa sa atin ay may itinuturing talagang kaibigan. 
Ang kaibigan kasi ay maraming naidudulot na makabuluhang mga bagay.


Sila yung taong kakampi mo sa bawat pagsubok na dumaan. 
Sasabayan ka nilang umiyak.
 Sila mismo ang magbibigay ng panyo sa panahong ang iyong luha ay pawang isang ilog
 na umaagos pag ika'y nasasaktan. 
Sila pa mismo ang unang unang aaway sa iyong mga kalaban.


Sila rin yung kasa-kasama mo sa bawat masasayang oras ng iyong buhay...
nariyan sila sa lahat ng hindi mo malilimutang alaala... mga alaalang punong-puno ng saya. 
Sila ay kasabay mo sa lahat ng kalokohan mo sa buhay. 
Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Kapag sila ang kasama, bumabagal ang takbo ng oras. 
Lahat ng problema naikukubli at napapalitan ng tawa. 


Ang kaibigan talaga ay maaasahan mo sa kahit anong bagay. 
Hindi ka iiwan. Hinding hindi ka sasaktan. 
Lahat tayo ay nagkaroon na ng kaibigan. 
Lahat tayo ay nakaranas na ng saya na dulot ng isang pagkakaibigan. 
Ngunit sa patuloy na pag ikot ng mundo, sa patuloy na pagbabago ng panahon, 
Ang pagkakaibigan ay hindi lamang pala puro mga magagandang alaala.


Paano kung nahulog ka na at minahal siya nang higit pa sa isang kaibigan?
Darating ang oras na ang kaibigan mo, may ibabahaging kwento, 
Kwentong nagsasaad na siya ay umiibig din. Umiibig sa iba...
At ikaw, walang magawa, kundi makinig, kahit na ang bawat salita niya ay parang mga tinik 
na isa-isang bumabaon sa iyong naghihinagpis na damdamin. 


Darating ang oras na ang kaibigan mo na yon, ay makikita mong masaya
Masaya sa mga yakap at halik ng iba, masaya sa taong kanyang gusto.
At ikaw, wala paring magawa kundi ang magpanggap na masaya para sa kanya.
Ipapakita mong ikaw masaya ka... hanggang sa hindi mo na kaya, tatalikod ka na lang
Pupunta sa isang sulok, at masasaktan ng mag-isa...


Darating ang araw na hindi na kayo magkikita, 
dahil kasa-kasama na niya yung taong nagpapatibok sa kanyang puso...
Masakit... napakasakit isipin na ang kaibigan mong noon kasa-kasama mo sa mga tawa, 
Ngayon nagiging dahilan ng iyong lungkot at ng gabi gabi mong pag-iyak. 
Masakit. Pero kailangan mong tanggapin
na kahit pa gustong gusto mo siya. wala kang magagawa.
Ikaw lang yung nahulog at hindi siya. Huwag ka nang umasa.

Dahil yung taong pinakamamahal mo, yung turing sayo, hanggang KAIBIGAN lang talaga.







Martes, Marso 8, 2016

Paano Nga Ba Mag MOVE ON?

MOVE ON. Isang salitang napakadaling sabihin. Kahit ulit ulitin.
Pero napakahirap gawin. Kahit siguro sinong tao, mahihirapan naman talagang mag move on. Narito ang ilan sa mga tips para sa pag mo-move on. 


TIP NO. 1

D I V E R T

I-divert ang iyong atensyon sa ibang bagay. Gumawa ng kahit ano upang mawala sa isip mo ang sakit. Go out. Enjoy. Drink. Kahit sandali, makakalimutan mong nasaktan at nasasaktan ka. 


TIP NO. 2

A V O I D A N C E

Sinasabing isa ito sa  pinakamabisang  paraan para maka limot. Nandyan si UNFOLLOW BUTTON. UNFRIEND, at si BLOCK. Para hindi mo na ma chat. Delete mo yung number. Siguraduhin mo lang na hindi mo kabisado. Para hindi mo na matawagan o ma text. Huwag mo ring kausapin. Kahit napakahirap panindigan, HUWAG!

TIP NO. 3

S E A R C H

Keep yourself open to other possibilities. Hindi lang naman siya ang tao sa mundo. Di ba? Sabi nga nila, napakaraming isda sa dagat. Hindi naman sa maghanap ka ng pag ibig. Just someone who would somehow ease the pain. Malay mo mag work pala. Hindi yung PINIPILIT MO ANG SARILI MO SA TAONG AYAW NAMAN SAYO. 

TIP NO. 4

BALEWALAIN ANG LAHAT NG NABANGGIT

Oo. Tama ang nabasa niyo. I-skip lahat ng suggestion. Kase ang pag mo move on isa lamang imahinasyon. Ang pag momoveon, hindi naman talaga nangyayari. Kailangan mong maramdaman at tanggapin ang sakit. Damhin mo ang bawat kirot. Ang hapdi ng isang pusong iniwan, nang damdaming puno ng pighati. Ang salitang "move on" ay isang katagang gawa-gawa lamang. Wala naman talagang taong nakakamove -on .

 
SIGURO LAHAT SILA... NASASANAY LANG SA SAKIT. 

Lunes, Pebrero 22, 2016

Katarungan para sa mga Bitter!!!

Bitter.
Sila yung sumisigaw ng "Walang Forever!" tuwing may makikitang magkahawak-kamay na magkasintahan,
Yung nag-iisip na "Maghihiwalay din yan!" tuwing may magkarelasyong masayang naglalampungan.
Umiirap ang mata tuwing makakakita ng mga sweet na moments sa pelikula o di kaya'y mga relationship goals sa social media.
Sila yung diring-diri sa couple shirts.
Wari'y ayaw na ayaw sa salitang "pagmamahal" 
Madalas kinaiinisan...
Sila yung mga bitter. 

Pero masisisi mo ba sila?
Sila yung mga taong walang ginawa kundi ang magmahal,
Pero, sila ang niloko.
Sila ang halos maubusan ng luha dahil sa pag-iyak gabi-gabi 
Dahil sila ang Iniwan. Binasted.
Yung sinabihang "ayoko na!" at "hindi kita mahal!"
Sila yung todo kung umeffort pero hindi man lang naaapreciate!
Sila yung nagbubulag bulagan sa katotohanan. At araw araw nabubuhay sa pinagtagpi-tagping kasinungalingan.
Sila ang ipinagpalit sa iba. 
Sila ay nagmahal lamang...binigay ang buo ngunit kahit kailan hinding hindi nasuklian.


Masisi mo ba sila? 
sila yung pinaasa. Nasaktan...at patuloy na nasasaktan.  



#manghuHUGOT

Linggo, Pebrero 21, 2016

Noon at Ngayon

Masakit isipin na ang noon, malayong malayo na sa ngayon
Ang mga tawa noon, mga tawang halos hindi matapos tapos, napalitan na ng mga hagulgol...
Yung bawat ngiti na pawang nakaukit sa mga labi, 
Napalitan na ng luha, ng naguumapaw na mga luha...
Ang bawat masasayang oras kahapon, ay bahagi na lang ngayon ng masayang alaala na marahil ay nalimot mo na,
Masakit isipin na ang noon ay talagang napakalayo na sa ngayon
Dahil kung dati ang mata'y nagliliwanag dahil sa saya,
Ngayon ito'y napupuno lamang ng namumuong mga luha.
Noon, para akong lumilipad sa himpapawid sa bawat sandaling tayo'y magkasama,
Ngunit ngayon parang nalulunod sa kailaliman ng karagatan, nalulunod sa luhang buhat ng sakit, ng hapdi, ng walang katapusang kirot.
Dahil masakit isipin na ang pinapangarap kong maging tayo mula pa NOON...
napakalayo nang mangyari NGAYON. 


#ManghuHugot

Sabado, Enero 2, 2016

LOOKING BACK: Learning from 2015

Bye 2015!!! As I reminisce all the events that happened last year, I couldn’t help but compare it to a movie. It was full of twists and turns, a lot of ups and even more downs. This was the year when I encountered a lot of struggles and disappointments. I couldn’t even imagine how I managed to survive the year with a healthy state of mind.

Humans as we are, all of us are subject to failure. But you know the good thing about failing? you will learn to toughen yourself up. After all, it’s not about the fall, it’s about how you were able to stand up after it. Failures in our 2015 are hurtful. It may even leave a scar. But always remember that even the greatest heroes who fought their battles get scarred.  Consider it as a reminder that once in your life, you’ve done something great. You may have failed the first time, but do not be afraid to try again.


Forget the negativism of the previous year but always bear in mind the lessons it has taught you. No one knows what’s in store for 2016, but it is your choice if you will make this year…extra awesome!