Huwebes, Marso 24, 2016

Hanggang Kaibigan Lang


Kaibigan. Friend. Best. Bestie. Friendship. Sis. Bro. Iba't iba ang tawagan. 
Bawat isa sa atin ay may itinuturing talagang kaibigan. 
Ang kaibigan kasi ay maraming naidudulot na makabuluhang mga bagay.


Sila yung taong kakampi mo sa bawat pagsubok na dumaan. 
Sasabayan ka nilang umiyak.
 Sila mismo ang magbibigay ng panyo sa panahong ang iyong luha ay pawang isang ilog
 na umaagos pag ika'y nasasaktan. 
Sila pa mismo ang unang unang aaway sa iyong mga kalaban.


Sila rin yung kasa-kasama mo sa bawat masasayang oras ng iyong buhay...
nariyan sila sa lahat ng hindi mo malilimutang alaala... mga alaalang punong-puno ng saya. 
Sila ay kasabay mo sa lahat ng kalokohan mo sa buhay. 
Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Kapag sila ang kasama, bumabagal ang takbo ng oras. 
Lahat ng problema naikukubli at napapalitan ng tawa. 


Ang kaibigan talaga ay maaasahan mo sa kahit anong bagay. 
Hindi ka iiwan. Hinding hindi ka sasaktan. 
Lahat tayo ay nagkaroon na ng kaibigan. 
Lahat tayo ay nakaranas na ng saya na dulot ng isang pagkakaibigan. 
Ngunit sa patuloy na pag ikot ng mundo, sa patuloy na pagbabago ng panahon, 
Ang pagkakaibigan ay hindi lamang pala puro mga magagandang alaala.


Paano kung nahulog ka na at minahal siya nang higit pa sa isang kaibigan?
Darating ang oras na ang kaibigan mo, may ibabahaging kwento, 
Kwentong nagsasaad na siya ay umiibig din. Umiibig sa iba...
At ikaw, walang magawa, kundi makinig, kahit na ang bawat salita niya ay parang mga tinik 
na isa-isang bumabaon sa iyong naghihinagpis na damdamin. 


Darating ang oras na ang kaibigan mo na yon, ay makikita mong masaya
Masaya sa mga yakap at halik ng iba, masaya sa taong kanyang gusto.
At ikaw, wala paring magawa kundi ang magpanggap na masaya para sa kanya.
Ipapakita mong ikaw masaya ka... hanggang sa hindi mo na kaya, tatalikod ka na lang
Pupunta sa isang sulok, at masasaktan ng mag-isa...


Darating ang araw na hindi na kayo magkikita, 
dahil kasa-kasama na niya yung taong nagpapatibok sa kanyang puso...
Masakit... napakasakit isipin na ang kaibigan mong noon kasa-kasama mo sa mga tawa, 
Ngayon nagiging dahilan ng iyong lungkot at ng gabi gabi mong pag-iyak. 
Masakit. Pero kailangan mong tanggapin
na kahit pa gustong gusto mo siya. wala kang magagawa.
Ikaw lang yung nahulog at hindi siya. Huwag ka nang umasa.

Dahil yung taong pinakamamahal mo, yung turing sayo, hanggang KAIBIGAN lang talaga.







3 komento:

  1. I saw your blog and just read some articles. I like this one, "Hanggang Kaibigan Lang". I can SOMEHOW relate. I guess if pinagdadaanan mo to, you really need to talk to your friend and just say everything even though he/she's already committed. Just give it a try! -A

    *P.S. i did not try and i regret it!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thanks. Sana mabasa nung mga may pinagdadaanan yung advice mo. :) hahah. kung ako din naman mag aadvice e yan din yung sasabihin. (pero hindi ibig sabihin na yun din yung gagawin ko)... dpende kasi cguro sa tao. minsan kasi a person is torn between love or friendship. Kasi pag sinabi mo naman, baka masira yung friendship, kung hindi naman, baka habang buhay mong pagsisihan. Kailangan lang talaga timbangin ang mga bagay bagay. The real question is... is it worth the risk? yun lang. :)

      Burahin
  2. To friend: sana ako nalang. But i know hindi natuturuan ang pusong magmahal. Pero im still hoping that one day, we will be both happy with each other. ILY! -Friend

    TumugonBurahin