Biyernes, Marso 25, 2016

Huwebes, Marso 24, 2016

Hanggang Kaibigan Lang


Kaibigan. Friend. Best. Bestie. Friendship. Sis. Bro. Iba't iba ang tawagan. 
Bawat isa sa atin ay may itinuturing talagang kaibigan. 
Ang kaibigan kasi ay maraming naidudulot na makabuluhang mga bagay.


Sila yung taong kakampi mo sa bawat pagsubok na dumaan. 
Sasabayan ka nilang umiyak.
 Sila mismo ang magbibigay ng panyo sa panahong ang iyong luha ay pawang isang ilog
 na umaagos pag ika'y nasasaktan. 
Sila pa mismo ang unang unang aaway sa iyong mga kalaban.


Sila rin yung kasa-kasama mo sa bawat masasayang oras ng iyong buhay...
nariyan sila sa lahat ng hindi mo malilimutang alaala... mga alaalang punong-puno ng saya. 
Sila ay kasabay mo sa lahat ng kalokohan mo sa buhay. 
Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Kapag sila ang kasama, bumabagal ang takbo ng oras. 
Lahat ng problema naikukubli at napapalitan ng tawa. 


Ang kaibigan talaga ay maaasahan mo sa kahit anong bagay. 
Hindi ka iiwan. Hinding hindi ka sasaktan. 
Lahat tayo ay nagkaroon na ng kaibigan. 
Lahat tayo ay nakaranas na ng saya na dulot ng isang pagkakaibigan. 
Ngunit sa patuloy na pag ikot ng mundo, sa patuloy na pagbabago ng panahon, 
Ang pagkakaibigan ay hindi lamang pala puro mga magagandang alaala.


Paano kung nahulog ka na at minahal siya nang higit pa sa isang kaibigan?
Darating ang oras na ang kaibigan mo, may ibabahaging kwento, 
Kwentong nagsasaad na siya ay umiibig din. Umiibig sa iba...
At ikaw, walang magawa, kundi makinig, kahit na ang bawat salita niya ay parang mga tinik 
na isa-isang bumabaon sa iyong naghihinagpis na damdamin. 


Darating ang oras na ang kaibigan mo na yon, ay makikita mong masaya
Masaya sa mga yakap at halik ng iba, masaya sa taong kanyang gusto.
At ikaw, wala paring magawa kundi ang magpanggap na masaya para sa kanya.
Ipapakita mong ikaw masaya ka... hanggang sa hindi mo na kaya, tatalikod ka na lang
Pupunta sa isang sulok, at masasaktan ng mag-isa...


Darating ang araw na hindi na kayo magkikita, 
dahil kasa-kasama na niya yung taong nagpapatibok sa kanyang puso...
Masakit... napakasakit isipin na ang kaibigan mong noon kasa-kasama mo sa mga tawa, 
Ngayon nagiging dahilan ng iyong lungkot at ng gabi gabi mong pag-iyak. 
Masakit. Pero kailangan mong tanggapin
na kahit pa gustong gusto mo siya. wala kang magagawa.
Ikaw lang yung nahulog at hindi siya. Huwag ka nang umasa.

Dahil yung taong pinakamamahal mo, yung turing sayo, hanggang KAIBIGAN lang talaga.







Martes, Marso 8, 2016

Paano Nga Ba Mag MOVE ON?

MOVE ON. Isang salitang napakadaling sabihin. Kahit ulit ulitin.
Pero napakahirap gawin. Kahit siguro sinong tao, mahihirapan naman talagang mag move on. Narito ang ilan sa mga tips para sa pag mo-move on. 


TIP NO. 1

D I V E R T

I-divert ang iyong atensyon sa ibang bagay. Gumawa ng kahit ano upang mawala sa isip mo ang sakit. Go out. Enjoy. Drink. Kahit sandali, makakalimutan mong nasaktan at nasasaktan ka. 


TIP NO. 2

A V O I D A N C E

Sinasabing isa ito sa  pinakamabisang  paraan para maka limot. Nandyan si UNFOLLOW BUTTON. UNFRIEND, at si BLOCK. Para hindi mo na ma chat. Delete mo yung number. Siguraduhin mo lang na hindi mo kabisado. Para hindi mo na matawagan o ma text. Huwag mo ring kausapin. Kahit napakahirap panindigan, HUWAG!

TIP NO. 3

S E A R C H

Keep yourself open to other possibilities. Hindi lang naman siya ang tao sa mundo. Di ba? Sabi nga nila, napakaraming isda sa dagat. Hindi naman sa maghanap ka ng pag ibig. Just someone who would somehow ease the pain. Malay mo mag work pala. Hindi yung PINIPILIT MO ANG SARILI MO SA TAONG AYAW NAMAN SAYO. 

TIP NO. 4

BALEWALAIN ANG LAHAT NG NABANGGIT

Oo. Tama ang nabasa niyo. I-skip lahat ng suggestion. Kase ang pag mo move on isa lamang imahinasyon. Ang pag momoveon, hindi naman talaga nangyayari. Kailangan mong maramdaman at tanggapin ang sakit. Damhin mo ang bawat kirot. Ang hapdi ng isang pusong iniwan, nang damdaming puno ng pighati. Ang salitang "move on" ay isang katagang gawa-gawa lamang. Wala naman talagang taong nakakamove -on .

 
SIGURO LAHAT SILA... NASASANAY LANG SA SAKIT.