Biyernes, Oktubre 5, 2018

HULI

Sana ito na ang huling gabing papatak ang iyong mga luha.
Ang huling beses na sasabihin sa sariling tama na.
Tama. Na itigil na ang lahat.
Upang ang sakit ay tuluyang magwakas.
At sana, kasabay nang pagpanaw nito,
Ay ang paglaho din ng lumbay.
Dahil sa bawat gabi na siya ay dumalaw sa iyong isipan,
ika'y tila presong iginagapos ng kalungkutan.
Ito na ang huling gabing ika'y mistulang bilanggo.
Sa mga pangako ng kahapon.
Ang huling gabing ikaw ay aasa, na baka puede pa.
Kaya't ngayon, hayaan mo lang na ang puso'y masaktan
Kahit hanggang ngayon lang.
Hanggang ngayong gabi lang.
At sana bukas,
Kasabay ng pagmulat ng iyong mga mata,
Sana...Matapos din ang dalamhati.
at tuluyang makalaya mula sa tanikala.
Dahil ngayong gabi... ito na ang huli.
At ikaw, ay mabubuo muli.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento