Lunes, Agosto 7, 2017

ULAN

Ang kadiliman ay bumabalot sa buong kalangitan.
At ang ulan, nagsisimulang pumatak... 
Tila ang ang mundo'y nakikidalamhati sa damdaming puno ng pighati
Ngayong gabi, Dahil ika'y wala yakap ko ang ambon
Habang nangungulila sa yong tinig
aking ibinabaling ang pandinig sa bawat ulang tumatagaktak
Akoy napapaisip... Habang tinatanaw ang karimlan
Paulit ulit binabalikan ang mga alaala ng nakaraan.
Ang mga sandaling tayoy magkasama
Na ikaw at ako ay masaya pa sa piling ng isa't isa
Mga panahong walang lungkot. Walang anumang sakit.
Pero ngayon...  Ganun pa rin ba?
Bakit tila ang dating tayo nawala na?
Pilit na lang itinatanim sa isip na mahal kita.
Na mahal pa rin kita
Na sana... mahal pa rin kita.
Pero bakit ang puso'y iba  na ang idinidikta?
Siguro nga... mahal pa rin kita pero parang nag iba.
Siguro nga mahal kita, pero di na alam kung sapat pa ba
Siguro nga mahal kita, pero hindi na tulad  noon
Siguro nga mahal kita pero ewan!
Ewan. Hindi ko na alam.
Ako na ay naguguluhan.
Lumuluha habang ikinukubli sa ilalim ng ulan.
Iniisip kung dapat na kayang pakawalan, itong pagmamahalang tila wala nang patutunguhan?
Napakaraming katanungan... ni hindi ko na namalayan ang pagtila ng ulan.
Kasabay ng paglisan nito... ang pagmamahal ko na para na ding naglaho.
Kaya siguro, kailangan ng tapusin itong talatang nasimulan. Tulad nung "tayo". Na kailangan nang wakasan...


DITO.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento