Biyernes, Hulyo 7, 2017

Ayoko Na

Sinabi ko na ayoko na. Ayoko na ng sakit. Ayoko na ng hapdi.
Ayoko nang maramdaman ang luhang umaagos mula sa pusong sugatan.
Ayoko na. Puso ko'y napagod na. Pagod sa kasisigaw ng salitang "Mahal Kita".
Gasgas na sa pagpapaalalang "Mahal, mahalaga ka."
Kaya't sinabi ko na tama na. Pero, tama ba?
Tama ba na itigil na ang lahat?
Marahil. Marahil ito na nga ang hudyat ng unti-unting pagmulat...
ng mga matang mula umpisa'y nabulag, nagpadala 
sa mga matatamis na titik, na tila mga hele sa gabing naghihinagpis.
Kaya't sinabi ko na ayoko na.
Ayoko na matulog na kapiling ang lungkot imbes na kumot...
Ayoko nang humimbing sa bumabahang luha imbes na sa unang malambot
Ayoko nang gumising na ang tanging nilalaman ng isip
ay ang pagdududang ako'y mahal pa. 
Kaya't sinabi ko na ayoko na.
Ayoko na lumipas ang bawat araw, na patuloy na nagbabakasakaling
maging akin ka pa. Patuloy na umaasang maging tayo pa.
Araw araw gumigising, humihinga, nabubuhay pero unti-unting namamatay.
Pinapatay ng kalungkutan dahil kahit kailan hindi ka na mahahagkan. 
Kaya't sinabi ko na ayoko na...
Upang ika'y pakawalan.
Pero iyong tandaan, "Mahal,
mahal pa rin kita... pero paalam na"

1 komento:

  1. Mov3 on na tayo kuYa. M4r4m! P4ng ib4 dyan. H!ntay!n m0 lg k0ya. Hahahahahahahaha ip4Gpepr4Y q phow ang iY0ng HeRT na Hindi na masaktan. Koyang the one na sinayang nia. Hahahahahahaha.


    -JJJJJJJJJ.

    TumugonBurahin