Sabado, Pebrero 18, 2017

Mahal Kita

Mahal Kita. Itong dalawang salita ang aking walang sawang bibitiwan...
dalawang salita na sa sanlibutan ay handang handa akong ipagsigawan. Mahal Kita
Mahal kita na ang bawat araw na wala ka ay tila buong taon ng pangungulila.
Mahal kita kahit na ang puso'y parang nakatanikala sa posibilidad na puede pa. 
Na baka kung hindi man ngayon, ay maaaring maging tayo sa iba pang pagkakataon
Mahal kita, kahit ipinipilit ng isip na tama na. Mahal kita.
Na kahit na may libo libong dahilan para itigil na, may nagiisa pa ring rason para kumapit pa
Kasi mahal kita. Mahal kita. Na kahit anumang paghihirap ginugusto ko na. 
Na kahit ang katawan ay nalulunod na sa tila ilog na dulot ng luhang gabi-gabi'y umaagos, Mahal kita.
Sarili ko'y nasanay na. Nasanay na kahit masakit, minamahal pa rin kita. 
Mahal kita na kung sakaling ako'y pumanaw, sa kahuli-hulihang hininga...
itong dalawang salitang 'to ang tanging mamumutawi sa aking mga labi, Mahal Kita.
Kaya't kahit alam ko na ang mahal mo ay iba... Hayaan  mo lang ako na patuloy na mahalin ka. 


Martes, Pebrero 14, 2017

2.14.17

Sa araw na malanta ang bulaklak na to, kakalimutan kong mahal kita...


Huwebes, Disyembre 29, 2016


L I M I T L E S S



The best thing about life, is its limitless possibilities. 

Biyernes, Setyembre 23, 2016

Huwebes, Setyembre 22, 2016

Ang Totoong Hugot ng mga Nurses

Bata pa lang ako, I already have such high regards for nurses.
Dahil nakikita mo sila in white uniforms, tingin mo tuloy they were a symbol of intelligence,
Someone who really deserves high respect. 
And after so many years. Kung noon, I would just dream of becoming a nurse, 
ngayon that dream has become a reality. I am already a nurse. 
Hindi biro yung four years sa nursing school ah. 
Nariyan yung magdamag kang gising just for a requirement.
Tapos there are circumstances  na buong libro kailangan mong pag-aralan. 
Isama mo pa ang nakakapagod na RLE. 
Minsan makakalimutan mo na nga yung huling beses na nakatulog ka ng maayos. 
But when I became a nurse, I realized, those four dreadful years was just a warm up.
Just a preparation for what the real world holds. 
Akala ko mahirap na yung nursing school. I was wrong.
Mahirap pala pag talagang nurse ka na. 
Lahat ng oras mo binibigay mo maalagaan lang mga pasyente
We are so busy taking care of other people, that we would forget to take care of ourselves.
Hindi ka makakain ng lunch, o kahit dinner. ni hindi ka nga maka pag-cr, 
Masyado kaming busy sa pag-aalaga sa iba, ni pamilya nga namin di na namin maalagaan
And what do we get in return?
Aside sa sasahurin naming kakarampot,
Nariyan pa ang reklamo ng mga pasyente at toxic na folks. 
Na para daw kaming ta-tanga tanga na hindi alam ang ginagawa,
Magrereklamo dahil na delay ng kahit 5 minutes yung gamot,
Akala kasi siya lang mag isa ang pasyente sa ward.
Magrereklamo kasi hindi naka hit ng vein pag mag start ng IV.
Dadagdag pa yung doktor na sasabunin ka ng galit, dahil di daw na carry out yung orders niya, 
O di mo raw nasagot ng mabilis yung tanong niya.
We face all of these in every day of our lives.
The whole shift could be a scenario of war. All of us are struggling to survive. 
Their words are the swords. And the only weapon we have, is that thing they call COMPASSION. 
Na sa kabila ng masasakit na salita, all we can show is empathy. 
Na kahit punong-puno ka na, dahil wala ka naman talagang kasalanan, 
you would still have to say the words, "Im Sorry"
Na sa kabila ng kaliwa't kanang insults, at walang katapusang reklamo ng mga pasyente,
Ikaw pa rin ang magpapaubaya
We still have that same goal, that is for them to get well and be better. 
It was then when I realized, 
Nurses are more than just the individuals in white uniform.
Dahil sa likod ng mga puting unipormeng yun, is a person with a strong yet compassionate heart. 
Nurse po kami. Pero tao lang din po kami. Napapagod. Nasasaktan. 
We are not asking you to be kind to us. 
All we ask is to be respected in a way we deserve to be. 

#SaluteToAllNurses

Martes, Setyembre 20, 2016

Linggo, Setyembre 11, 2016

Nakakamiss Pala...

Nakakamiss pala...
Yung merong gigising sayo ng good morning sa umaga
At Buong araw kang kukulitin at nangangamusta
Kahit minsan nakakabwisit na, nakakamiss din pala.
Nakakamiss yung meron kang kausap hanggang magdamagan,
Walang katapusang kwentuhan,
Na minsan sinamahan pa ng mga maliit na tampuhan
Nakakamiss yung may kasa -kasama ka kumain sa kung saan,
Naglilibot, gumagala kahit wala naman talagang patutunguhan,
Nakakamiss yung mga sandaling nararamdaman mo,
kung gaano ka ka-importante ka para sa isang tao.
Nakakamiss yung may nagbibigay sa'yo ng yapos at mga halik.
Hayyy, nakakamiss pala...


NAKAKAMISS...YUNG NAGMAMAHAL KA, HABANG MINAMAHAL PABALIK.

Biyernes, Hulyo 1, 2016

PARA SA PUSONG NAGHIHINTAY

Sa simula pa lang, alam mo namang masasaktan ka diba?
Bakit kasi ipinagpapatuloy mo pa?
Marami na ngang nagsasabi o. Hindi ka niya mahal. Bat kasi ayaw mong makinig?
Ba't kasi nagbubulagbulagan ka? Ba't kasi pilit mong pinapaniwala ang sarili mo na baka...
baka sakaling may pag asa pa. Baka sakaling marealize niya na puede rin pala.
Baka sakaling maisip niya na okay ka rin pala. Baka sakaling bigyan ka niya ng chance.
Pero hindi mo ba na isip? Puro ka lg baka sakali! nagbabakasakali!
Araw araw naghihintay. araw araw nag aabang sa sandaling masabi niya sayo na mahal ka na rin niya.
Naghihintay sa sandaling masuklian ang pag ibig na ibinigay sa kanya.
EH ARAW ARAW KA RIN NAGPAPAKATANGA AH.
nag hihintay sa pag ibig na wala namang kasiguraduhan kung dadating pa.
kumakapit sa maliit na posibilidad na maging kayo pa.
pero ang tanong, hanggang kailan mo ba kayang masaktan?
hanggang kailan mo pa kayang magpakatanga...
kasi baka ang pusong inaasahan mong tumibok para sayo...

AYUN... TUMITIBOK PALA PARA SA IBA.